Nag-alok ng libreng sakay ang transport network company (TNC) na Grab Philippines sa mga gumagamit ng kanilang serbisyo, ngayong Pasko.

Sa inilabas na pahayag ng kumpanya, makakalibre ng sakay sa Grab Christmas Express Bus at Jeep, gamit ang Christmas Express Unlimited Pass mula sa kanilang online app na Grab Rewards Catalogue, sa Disyembre 13-24 ngayong taon.

Ang ticket ay magagamit nang paulit-ulit, na nakalaan lang sa isang upuan.

Bibiyahe ang Grab P2P buses sa SM Megamall hanggang SM North EDSA, mula 5:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ka-partner ng Grab ang Froehlich Tours, Inc., na ang ruta ay McKinley Hills patungong San Lorenzo Place, mula 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi.

Ang sasakay naman ng Grab Christmas Express Jeep ay

gagamit ng Christmas Express Unlimited Pass.

Ang mga Grab jeep unit ay bibiyahe sa Ayala-Market-Market, mula 11:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi, at sa EDSA-Pasig naman, mula 11:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

-Jun Fabon