CONCEPCION, Tarlac – Nalambat ng mga awtoridad ang tatlo umanong drug pusher sa buy-bust operation sa Sitio Tacde, Barangay Sta. Cruz, Concepcion, Tarlac, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sina Marvin Sunglao, alyas Bingkal, 35, ng Bgy. Planas, Porac, Pampanga; Aristotle Sese, alyas Jamats, 33; at kapatid na si Princess, 24, ng Bgy. Cruz, Concepcion, Tarlac.

Sa ulat, binentahan ng mga suspek ang mga awtoridad ng ilegal na droga.

Narekober sa mga suspek ang 16 na pakete ng umano’y shabu at drug paraphernalia, marked money at isang cellular phone.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

-Leandro Alborote