Starters ng GS Warriors kumpleto sa pananalasa

OAKLAND, California (AP) — Kumpleto ang ‘starting five’ ng Golden States Warriors at natyempuhan ng Minnesota Timberwolves si Stephen Curry sa kanyang ‘A-game’ sapat para matikman ang 116-108 kabiguan sa defending champion Lunes ng gabi (Martes sa Manila).

NAGDIWANG si Stephen Curry sa center court nang maisalpak ang isa sa anim na three-pointer sa panalo ng Golden State Warriors laban sa Minnesotta Timberwolves. (AP)

NAGDIWANG si Stephen Curry sa center court nang maisalpak ang isa sa anim na three-pointer sa panalo ng Golden State Warriors laban sa Minnesotta Timberwolves. (AP)

Nagsalansan ang two-time MVP ng 38 puntos, pitong rebounds at anim na assists para sandigan ang Warriors at maisalba ang impresibong opensa ni Derrick Rose.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nag-ambag si Klay Thompson ng 26 puntos, habang kumubra si Kevin Durant ng 22 puntos para sa Golden State na naghahanda sa pagbisita ng Toronto Raptors sa Miyerkules (Huwebes sa Manila). Ito ang unang pagbabalik sa Oracle Arena ni Kawhi Leonard mula nang ma-injured siya sa laro ng Western Conference noong star player pa siya ng San Antonio Spurs.

Sa pagbabalik aksiyon mula sa 11 larong pahinga bunsod ng injury, humugot si Green, ang 2017 NBA Defensive Player of the Year, ng pitong puntos, 10 rebounds at pitong assists para sa ikaapat na sunod na panalo ng Warriors.

Nanguna si Karl Anthony-Towns sa Wolves na may 31 puntos at 11 rebounds, habang kumana si Derrick Rose ng 21 puntos.

LAKERS 108, HEAT 105

Sa Los Angeles, sa posibleng huling pagtatapat sa hard court, nagyakap angmagkaibigang sina LeBron James at Dwynae Wade at pagtatapos ng laro, klarong may asim pa si James para magpatuloy ng kanyang career.

Kumubra si James ng 28 puntos para sandigan ang Lakers at maisalba ang matikas na 15 puntos na ratsada ni Wade sa second half. May ugong-ugong na handa nang magretiro ni Wade sa susunod na season.

Magkasabay na pumasok sa NBA ang dalawa at naging moog sa Miami noong 2010 kung saan magkasalo silang nagtagumpay ng dalawang titulo at apat na sunod na NBA Finals.

Nagambag si Kyle Kuzma ng 33 puntos para sa Lakers, nagwagi sa ika-13 sa huling 17 laro.

Hataw naman si Justise Winslow sa career-high 28 puntos para sa Miami, tampok ang anim na three-pointers.

BUCKS 108, CAVS 92

Sa Milwaukee, ginapi ng Bucks, sa pangunguna ni Eric Bledsoe na may 20 puntos at 12 rebounds, ang Cleveland Cavaliers.

Kumikig si Malcolm Brogdon ng 18 puntos mula sa 8-of-12 shooting, habang kumabig si Sterling Brown ng 12 puntos at walong rebounds. Ipinahinga ng Bucks si Giannis Antetokounmpo.

Sa kabila nito, umabante ang Bucks sa 18 puntos at napataas sa 26 puntos sa third period.

Sa iba pang laro, pinalubog ng Los Angeles Lakers ang Phoenix Suns, 123-119; tinalo ng injury-depleted Denver Nuggets ang Memphis Grizzlies,105-99; pinahiya ng Dallas Mavericks ang Orlando Magic, 101-76; pinaluhod ng Sacramento Kings ang Chicago Bulls, 108-89.