DAGUPAN CITY – Nasa 17 munisipalidad, kabilang ang ilang bahagi ng Urdaneta City, ay makararanas ng power interruption ngayong araw, Disyembre 5, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines.

Sa ipinadalang mensahe ni Ernest Lorenz B. Vidal, Regional Communications and Public Affairs Lead Specialist, apektado ng power interruption ang ilang bahagi ng Pangasinan Electric Coperative (PANELCO) III (Parts of Urdaneta City), at Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) (Bautista, Alcala, Bayambang, Basista, and parts of Malasiqui, Pangasinan), sa ganap na 7:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Habang 7:00 ng umaga hanggang 7:30 ng umaga at 4:30 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon sa ilang bahagi ng PANELCO III (Villasis, Asingan, Rosales, Balungao, Sto Tomas, Sta Maria, Tayug, San Nicolas, Natividad, Umingan, at San Quintin, at ilang bahagi ng Urdaneta City, Pangasinan).

Ayon sa NGCP, ito ay pagbibigay daan sa pagpapalit ng wood poles sa steel poles sa kahabaan ng Tumana-Bayambang 69kV line segment.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

-Liezle Basa Iñigo