May 22, 2026

Home BALITA Metro

Grupo ng mga abogado, kinatigan tigil-pasada ng mga tsuper

Grupo ng mga abogado, kinatigan tigil-pasada ng mga tsuper
Photo Courtesy: via MB

Naghayag ang National Union of Peoples’ Lawyers-National Capital Region (NUPL-NCR) sa tigil-pasada ng mga tsuper bilang protesta kontra krisis pang-ekonomiyang idinulot ng giyera.

Sa latest Facebook post ni NUPL-NCR Secretary General Atty. Kristina Conti nitong Miyerkules, Marso 18, mababasa ang buong pahayag ng grupo.

Ayon sa kanila, “Ang pagsasagawa ng tigil-pasada ay natatanging paraan ng obrero at mamamayan para ipaabot ang saloobin at pananaw sa gobyerno at sa mas malawak na madla.”

“Ito rin ay susing pananggalang sa panggigipit ng nagtataasang bayarin at bilihin. Naging kasangakapan din ito ng PISTON habang hinuhubaran ang huwad na ‘jeepney modernization,’ kasabay ng paglalahad namin ng kaso sa Supreme Court,” dugtong pa NUPL-NCR.

Bukod dito, iginiit din ng grupo na hindi umano sapat at angkop ang inihaing solusyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa nasabing problema.

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

“Panandaliang solusyon ang fuel subsidy para sa mga PUV driver at operator at libreng sakay para sa mga komyuter,” saad nng NUPL-NCR.

Dagdag pa nila, “Pansamantalang lunas lamang ang ‘staggered’ oil price increases. Sa huli’t huli ay tumaas pa rin ang mga bayarin ngunit hindi naman nadagdagan ang kita o sahod.”

Kaya mungkahi ng grupo, tanggalin ang excise tax at value-added tax (VAT) sa produktong petrolyo. Nanawagan din silang i-rollback ang presyo nito sa ₱55 kada litro at ibasura ang oil deregulation ng industriya.

Matatandaang inanunsyo na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang taas-pasahe para sa mga pampublikong transportasyon sa bansa bunsod ng pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.

Basahin: ALAMIN: Magkano na nga ba ang pamasahe sa pampublikong transportasyon?

Ngunit nito ring Miyerkules, ipinag-utos ng Pangulo na suspendihin ang fair hike matapos mabasa ang usapin hinggil dito.

Maki-Balita: PBBM, pinasususpinde fair hike sa DOTr dahil sa oil price hike!