Patay na nang matagpuan ang isang mangingisda, na hinihinalang kinain ng buwaya dahil putol ang braso at binti nito, makaraang iulat na nawawala sa Balabac, Palawan.
Ayon sa ulat ng Balabac Municipal Police Station (BMPS), posibleng nilapa ng buwaya si Cornelle Bonite nang madiskubre ang kanyang bangkay sa tabing-dagat ng Barangay Malaking Ilog, nitong Miyerkules.
Ayon sa awtoridad, huling nakita si Bonite na naglilimas ng kanyang bangka sa pampang, nitong Martes ng madaling araw.
Isang residente umano ang nakarinig nang malakas na sigaw ng lalaki, na pinaniniwalang si Bonite, bago ito nawala.
Naniniwala ang mga kaanak ni Bonite na isang uri ng buwaya ang pumatay sa kanya.
-Fer Taboy