Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang hindi maabala sa trapikong idudulot ng road reblocking at repairs ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa abiso ng MMDA, dakong 11:00 ng gabi nitong Biyernes nang sinimulan ng DPWH ang pagkukumpuni sa C-5 Road southbound, katabi ng SM Aura; C-5 Road bago ang Pasig Boulevard; C-5 flyover; at EDSA Scout Albano, malapit sa Shell gasoline station, at Scout Borromeo.

Isasaayos din ang EDSA northbound, sa harapan ng Northstar Motor Corp.; Batasan Road malapit sa CSC Central Office; at Mindanao Avenue, Mindanao tunnel hanggang Old Sauyo footbridge.

May restoration/concreting works naman sa Quirino Highway southbound, mula sa panulukan ng Mindanao Avenue hanggang Villa Sabina; Mindanao Avenue northbound mula sa Lukara hanggang Socorro Streets; at northbound ng Road 10 Visayas Avenue hanggang Road 1 intersection.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang mga apektadong kalsada ay bubuksang muli sa mga motorista dakong 5:00 ng umaga sa Lunes.

-Bella Gamotea