WBC Women’s Convention, nakatuon sa pantay na karapatan ng kababaihan

PANTAY na karapatan at pagkilala sa kakayahan ng kababaihan ang sentro ng usapin sa isinasagawang 3rd World Boxing Council (WBC) Women’s Convention and Asian Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) at kalapit na Sofitel Philippine Plaza sa Mismong si Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang nagsusulong ng mga bagong reporma para mapataas ang kalidas ng women’s boxing sa bansa at matugunan ang mga pangangailangan hingil sa kanilang mga karapatan at pangangailangang medical.

IBINIDA nina GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at WBC Cares chairperson Christine Manzur ang WBC belt, habang ipinarada ni Thai muay-thai superstarParinya Charoenphol ang bagong ‘pink WBC belt’ sa opening ceremony ng 3rd WBC Women’s Convention sa PICC. (TRACY/GAB)

IBINIDA nina GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at WBC Cares chairperson Christine Manzur ang WBC belt, habang ipinarada ni Thai muay-thai superstarParinya Charoenphol ang bagong ‘pink WBC belt’ sa opening ceremony ng 3rd WBC Women’s Convention sa PICC. (TRACY/GAB)

“THE GAB in collaboration of the WBC is working of equality and legitimacy,” pahayag ni Mitra, dating Palawan Governor at Congessman.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“The WBC Convention will not only discuss the past, but the present and future of the sports and ho WBC Cares chairperson Christiane Manzur w to address the challenges and risk while celebrating and give honor to our women fighters.”

Idineklara nina Mitra at WBC Cares Chairperson Christine Manzur, maybahay ni WBC president Mauricio Sulaiman, ang pormal na pagbubukas ng Convention matapos ang makulay na opening ceremony nitong Sabado.

Tampok sa programa ang pagpapalabas ng video na ngalalaman ng kasaysayan ng professional boxing sa bansa.

“I hope that women’s boxing would gain attraction in Asia,” pahayag ni Mitra.

Mula nang ma-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte, kaagad na nagsagawa ng reporma si Mitra sa GAB at kaagad na nakipagkasundo sa Department of Health (DOH) para mabigyan ng libreng medical at CT scan ang mga boxers, gayundin ang lahat ng mga atletang propesyunal.

Ibinida rin ni Mitra ang mga kasunduan sa Japan at Thailan para sa masiguro ang ligtas na paglaban ng mga Pinoy sa labas ng bansa, gayundin ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga retiradong boxers at regular na inspection sa mga local gyms para madetermina kung tumatalima ang mga may-ari nito sa patuntunan ng pamahalaan.

Ang naturang programa na naging batayan ng WBC upang tanghaling ‘Commission of the Year’ ang GAB noong 2017 WBC Convention sa Baku.

“Ngayon pong host tayo, higit natin na dapat ipakita an gating kagustuhan na mapalakas ang women’s boxing at makumbinsi ang ating mga kababayan na puwedeng maging daan ang sports para sa katuparan ng kanilang mga pangarap.

Sentro rin ng usapin ang paglarga ng AIBA atang usapin sa posibilidad na pagalis ng boxing sa sports calendar ng Olympics. Ayon kay Mitra, nakatakdang lumagda ang lahat ng 500 delegado mula sa 17 bansa sa isang petition upang mapanatiliang pagiging aktibo ng sports sa Olympics at mapalawig ang programa para sa mga professional fighters.

Sa Gala Awards dinner nitong Sabado ng gabi, ipinagkaloob ng WBC ang mga parangal sa natatanging individual sa presensiya ng mga opisyal ng WBC, GAB, Oriental Pacific Boxing Federation at Asian Boxing Council.

Kabilang sa mga pinarangalan sina Jelena Mrdjenovich (Champion of the Year); Fight of the Year: Fabiana Bytyqi (vs. Denise Castle); Comeback of the Year: Raja Amasheh

Revelation of the Year: Franchon Crews Dezurn; Prospect of the Year: Sulem Urbina at Heart Award (Kenia Enriquez), Paulina Brindis (Trainer of the year), Bobby Brodger (Official of the Year).

Kinilala rin ang mga nagawa at kasaysayan sina dating WBC president Justiniano Montano Jr. Sec-Gen Atty. Rodrigo Salud , Juan Ramon Guanzon, Eric Buhain, Eduardo Villanueva, Dominador Cepeda, Francisco Sumulong and Alberto Antonio

KInilala rin ang naging ambag sa boxing nina Hall-of-Fame promoter Lope “Papa” Sarreal, GAB chairman Luis Tabuena and former WBC champions Gabriel “Flash” Elorde at Pedro Adigue.

-EDWIN ROLLON