Ibinulagta ang isang barangay kagawad habang bumibiyahe patungong Burgos, Isabela mula Barangay Caliguian, Burgos, Isabela.

Kinilala ng Isabela Provincial Police ang biktima na si Kagawad Leonardo Albano, 69, ng Bgy. Caliguian.

Ayon sa mga saksi, bumibiyahe ang biktima, sakay sa bisikleta, nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek, bandang 6:30 ng umaga kamakalawa.

Isinugod ang sa ospital si Albano, ngunit dead on arrival.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Samantala, ipinag-utos ni Senior Supt. Mariano Rodriguez, Isabela Police Provincial Director, ang imbestigasyon sa pamamaslang.

-Liezle Basa Iñigo at Fer Taboy