INARESTO ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP)’s Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang aktres na si Keanna Reeves sa Quezon City nitong Lunes ng hapon, dahil sa kasong cyberlibel.

Keanna (right lang po) copy

Dinakma si Keanna, tunay na pangalan ay Janet Derecho Duterte, ng mga tauhan ng CIDG-Laguna dakong 12:45 ng hapon sa Timog Avenue corner Scout Ybardaloza, ayon sa police report na ipinadala ni Superintendent Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon Police Regional Office (PRO-4A).

Ayon sa report, inaresto si Keanna sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 4(c) of Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ayon kay Chief Inspector Zyrus Serrano, hepe ng CIDG-Laguna, ang operasyon ay nagmula sa isang cyberlibel complaint na isinampa laban kay Keanna ng negosyanteng so Nancy Dimaranan.

Tinudyo at minura umano ni Keanna si Nancy, may-ari ng isang food park sa Biñan, Laguna, kung saan nagtanghal ang aktres nong Hulyo 14, 2018.

Nakasaad pa sa report, nagtanghal si Keanna sa Dimaranan’s food park at pagkatapos ng show, hiningian niya si Nancy ng talent fee at ng kotse na maghahatid sa kanya pauwi.

Binigyan ni Nancy ang entertainer ng P5,000 talent fee at nagdagdag ng P1,500 para sa pamasahe, dahil pagod na ito. Tinanggap ni Keanna ang offer.

Gayunman, nang sumunod na araw, napanood ni Nancy ang live video ni Keanna na naka-post sa social media kung saan minura, tinudyo at tinawag siya ni Keanna na “demon,” “gay” at “animal.”

Itinanggi naman ni Keanna ang mga paratang at ipinaliwanag na inilabas niya lamang ang kanyang pagkadismaya, dahil ang orihinal na kasunduan ay ihahatid siya pauwi ng kanyang bahay.

Itinanggi rin niya na tinudyo niya si Nancy dahil sa pagiging transgender.

Pinagpipiyansa si Keanna ng P20,000 para makalaya.

-MARTIN A. SADONGDONG