NAKAKITA kami ng photos ng performance nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa show nila sa Calgary, Canada. Tuwang-tuwa ang fans ng dalawa na kahit sa show ay nagkasama ang dalawa, na nagkaroon ng isyu kamakailan.

Elmo at Janella copy

Nag-duet sina Elmo at Janella ng Born For You at kanya-kanya ang fans sa pag-i-interpret sa kilos at tinginan ng dalawa. Pati ang facial expression ni Janella, na nakipag-eye-to eye contact kay Elmo, ay binigyan ng meaning ng fans.

May nagsabing halata pa r i n ang a w k w a r d n e s s s a ElNella, lalo na sa parte ni Janella. Pati ‘yung ngiti ni Janella, bitin pa rin at parang nananantya pa raw. Si Elmo ang parang handa na raw makipag-ayos kay Janella, pero kung hindi pa ready si Janella, mag-e-effort pa siya nang double-time.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Also, may kinilig nang alalayan ni Elmo si Janella habang nasa stage sila, gayundin sa paghawak ni Elmo sa waistline ni Janella habang kumakanta sila.

Pero, may hindi natuwa, hindi raw dapat ginawa ni Elmo ‘yun, dahil may isyu pa silang dalawa.

Anyway, may mga sumunod pang shows sina Elmo at Janella, kasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Tingnan natin kung may mga pagbabago sa kilos ng dalawa, at kung mawala na ang awkwardness sa kanila.

-NITZ MIRALLES