MASAYA ang aktor na si Derek Ramsay dahil nagagampanan niya ngayon ang pagiging tatay niya sa kanyang 15-year-old son na si Austin, matapos niyang makumbinse na sa Pilipinas na lang mag-aral ang anak.
Sa panayam ng entertainment press kay Derek sa kanyang bagong partnership sa KYZOX Foundation, masayang nagkuwento ang aktor tungkol sa kanyang bagong career bilang isang tatay.
“Ang bait talaga ni Lord, everything just play down perfectly. I gotta ask him (Austin) ‘would you like to study there (Pilipinas)?’ I always joke about it ‘pag pumupunta siya dito sa Manila every Christmas or holiday,” kuwento ni Derek.
Aniya, malaki ang pasasalamat niya na hindi naging mahirap para sa ina ng kanyang anak na payagan itong sa Pilipinas na manirahan.
“Nagpupustahan kami niyan sa basketball, ‘o ‘pag hindi mo na-shoot ‘yan, dito ka na mag-aaral sa akin’. So pustahan kami, and then one day they asked me if he can study here. [Sabi ko] ‘Sure I’d love to have you here’.“He flew in over a weekend. Nag-entrance exam siya, pumasa siya, so eto na. I couldn’t believe it until I saw him in the airport. He’s been here now, he has made new friends. He’s enjoying,” sabi pa ni Derek.
Natutuwa rin daw ang aktor na bilang ama ay nagagampanan niya ang kanyang tungkulin sa kanyang anak, tulad ng pagsubaybay sa araw-araw na kaganapan sa buhay nito.“I’m doing something right. He turned 15 with me here. He just had basketball try out, but unfortunately hindi siya nakapasok sa try out. So he’s very sad about that,” kuwento pa ni Derek tungkol sa anak.
-Ador V. Saluta