Sarado ang tanggapan ng United States (US) Embassy sa Pilipinas at affiliated offices nito sa Nobyembre 1, bilang pakikiisa sa paggunita ng mga Pilipino sa All Saints’ Day, na isang special non-working holiday sa bansa.

Sa isang abiso ng embahada kahapon, suspendido ang lahat ng serbisyo publiko nito sa nasabing araw.

Muling magbubukas ang kanilang tanggapan sa Nobyembre 2, All Soul’s Day.

-Mary Ann Santiago
Tsika at Intriga

Grace Tumbaga, 'unbothered' this 2026: 'Karma hits harder than revenge'