TAGKAWAYAN, Quezon - Isang 61- anyos na babae ang nasawi nang bugbugin ng kanyang asawa matapos na magtalo sa Tagkawayan, Quezon, nitong Miyekules ng hapon.

Sa report ng Tagkawayan Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si Dolores Sarsaba, ng Sitio San Jose, Barangay Sta. Cecilla ng nasabing bayan.

Inaresto naman ang suspek na si Rodrigo Sarsaba, 67, ng nabanggit ding lugar, matapos ang insidente.

Ayon sa awtoridad, nagtalo ang mag-asawa sa kanilang bahay, bandang 5:00 ng hapon.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nang mapikon ang suspek, sinimulan nitong bugbugin ang kanyang misis at nang makitang tumumba ay pinabayaan lamang.

Isinugod pa sa ospital ang biktima, ngunit nalagutan din ng hininga.

Hindi na nakapalag si Rodrigo nang dakpin ng mga pulis.

-Danny J. Estacio