“TAMA na ‘yung paghihilahan pababa. Hindi ba puwedeng maging masaya na lang tayo para sa bawat isa?”

Gabbi copy

Ito ang isinagot ni Gabbi Garcia sa fan ng isa pang Kapuso actress na mistulang kinukuwestiyon kung bakit sunud-sunod ang projects niya sa GMA-7. Parang gustong palabasin ng nag-comment na may backer si Gabbi sa network, kaya marami siyang projects.

“Nako po, pumila po ako sa GMA and I went through VTRs & auditions kaya po ako nakapasok sa Artist Center:). Wala po akong backer. And I will forever be grateful that GMA took care of me:) nonetheless, I worked hard for everything else: ) hehe.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

In fairness kay Gabbi, hindi naman lahat okay sa kanya sa GMA. Natatandaan naming na there was a time na wala siyang show at pinatay pa agad ang karakter niya sa Sherlock Jr., na naging daan din para mabuwang ang love team nila ni Ruru Madrid. Hindi na rin siya pinabalik sa Sunday PinaSaya para hindi na umasa ang fans nila ni Ruru na itutuloy pa ang love team nila.

Pero ngayon, tuloy ang pagbi-build up ng GMA-7 kay Gabbi dahil bukod sa Studio 7 kung saan, nakakakanta uli siya, kasama rin siya sa cast ng Pamilya Roces.

Positive feedback ang nakukuha ni Gabbi sa role ni Jade Roces, ang supladang anak nina Natalia (Gloria Diaz) at Rodolfo (Roi Vinzon) at galit sa half sisters niya.

Nakadagdag din siguro sa reklamo ng fans ng ibang Kapuso stars ang title ni Gabbi na “Global Endorser”, dahil ito sa endorsements niyang pang-worldwide gaya ng Maybelline at Sony Extra Bass.

-NITZ MIRALLES