MINSAN lang sumagot sa basher si Piolo Pascual, ibig sabihin, hindi talaga nito nagustuhan ang komento ng basher sa ipinost niyang litrato nila ng kapatid niyang babae, dahil binati niya ito sa kanyang birthday.

Piolo (paki-crop nalang po) copy

Ang linaw ng birthday greetings ni Piolo na, “To my best friend :) my one and only Bubi...lamonayon tol! Hehe...haberdey my lab :) no matter what we go thru, we go thru it together:) I’m witchu coz you’re my Bubie :) to more years of travels nd excursions with you...labyu lollipat.”

Sukat ba namang mag-comment ang bansher na si @xhmphatica ng, “For sure boyfriend nya yan” nang may kasamang nakangising emoji.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

‘Di naman nakapagtimpi si Piolo at pinatulan na ang basher, “G*go ka ba?!!!”, ang galit na reply ng hunk actor. Sinundan niya ito ng, “ingat din sa pag-comment kung wala kang alam.”

Niresbakan naman kaagad ng followers ni Piolo ang naturang basher at ipinabatid dito na kapatid ni Piolo ang binati niya.

Kinuyog talaga ang basher, kaya nakiusap na si Piolo sa followers niya na hayaan na lang ito.

“Hayaan nyo na...pakiusap lang...magpasintabi kayo...kasi pag walang alam, humanap ng puwedeng gawin na may kabuluhan...blessed Sunday sa inyo :),” sabi ni Piolo.

Ang mas grabe pa, nilagay ni Piolo sa IG story niya ang picture ng basher, kaya lalo itong na-bash. Nagsisi siguro ang basher sa ginawa at hindi pagtsi-check ng facts bago mag-comment, ayun, nasunog siya.

-NITZ MIRALLES