WBC Women’s Convention, 2 pang boxing int’l event ilalarga sa Pilipinas

Ni EDWIN ROLLON

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

 BUO ang tiwala at respeto ng international boxing community sa pamunuan ng Games and Amusement Board (GAB).

wbccc

Sa ginaganap na 56th World Boxing Council (WBC) Convention sa Kiev, Ukraine,  ipinagkaloob ng WBC, ang pinakamalaking boxing organization sa mundo, sa pamumuno ni Mauricio Sulaiman ang hosting para sa 3rd WBC Women’s Convention sa Nobyembre 17-19, 2019 sa makasaysayang Philippine International Convention Center (PICC) sa Manila.

Orihinal na nakatakda ang naturang pagpupulong sa Culiacan, Mexico, ngunit matapos makuha ni Sulaiman ang kasiguraduhan ng kahandaan, nagdesisyon ang WBC na ibigay sa Pilipinas ang karapatan na malugod namang tinanggap ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

“Natutuwa po tayo sa tiwalang ibinigay sa atin ng WBC. Isa po itong malaking karangalan sa ating bansa. Ito po ay dadaluhan ng mga delegado mula sa iba’t ibang bansa mula sa Europa, Amerika at Asia. Mismong si WBC president Mauricio Sulaiman at maging mga miyembro ng WBC Board of Governors ay dadalo at makikiisa,” pahayag ni Mitra, itinalagang International Secretary sa WBC Convention na isinagawa sa Kiev, Ukraine.

“Actually, history ito sa Philippine boxing, dahil gagawin din sa bansa next year  ang convention ng Oriental Pacific Boxing Federation (OPBF) at WBC-Asia- Asian Boxing Council,” sambit ni Mitra.

Ayon kay Mitra, personal ding maipararating ng sambayanan ang pasasalamat sa WBC matapos tanghaling ‘Commission of the Year’ ang GAB sa 2017 WBC Convention sa Baku, Azerbaijan.

‘Malaki ang pasasalamat natin sa WBC dahil kinilala nila ang mga programa na ginawa natin sa GAB right after mailagay tayo ng Pangulong Duterte kasama sina Commissioner Mar at Eduard. Actually yung free medical program natin para sa ating mga boxers at licensed professional athletes ay iminungkahi ng WBC nag awing template ng ibang miyembrong bansa,” sambit ng dating Palawan Governor at Congressman.

Kamakailan, pinalawig ng GAB at Department of Health (DOH) ang programa para mas maraming atleta ang makinabang sa libreng medical assistance ng pamahalaan.

“Sa plano po, there would be a WBC Asia Awards Night as well as the OPBF annual meeting. Also, medical lectures, seminars for ring officials, boxing clinics by field's experts, plus gala dinners, Corregidor tours. In addition, our orphanages would receive contributions by the organization WBC Cares, and more,” aniya.