Pacquiao, hiniling ng GAB na magsumite ng ‘cardio clearance’

WALANG ‘cardio clearance’, walang magaganap na laban si eight-division world champion Senator Manny Pacquiao.

Matthysse at Pacquiao

Matthysse at Pacquiao

Bilang paniniguro sa kalusugan ni Pacquaio bago muling sumabak sa world title fight, ipinahayag ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na hihingin nila bilang requirement sa kampo ni Pacman ang pagsumite ng ‘cardio clearance’.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“As supervising and regulatory body, mandato naming na masiguro na malusog at nasa tamang kondisyon ang pangangatawan ng isang boxers bago naming payagan na lumaban. Walang exception ditto, lahat po ng ating boxers ay sumasailalim sa ganitong procedure,” pahayag ni Mitra.

Matatandaang, mismong si Senator Pacquiao ang nagpahayag na sumailalim siya sa medical check-up bago ang laban kay Lucas Matthysse ng Argentina nitong Hulyo 15.

Nakadama umano si Pacman ng kasikipan sa hininga kung kayat nagdesisyon na sumailaim sa medical procedure sa Cardinal Santos City kung saan ipinahayag ng boxing icon na meron siyang iniindang matagal nang karamdaman sa puso.

“In born daw ang naturang sakit, ayon kay Senator Pacquiao na tunay namang nakakagulat dahil ang haba na ang itinakbo ng kanyang career, actually more than 60 fights kaya sino ang magdududa na meron siyang ganitong kondisyon,” sambit ni Dr. Redentor Viernes, GAB medical department chief.

Aniya, nakipag-ugnayan na siya sa pamunuan ng Cardinal Santos Medical Center, ngunit dahil sa pribado ang mga rekords ni Pacman, walang karapatan ang GAB na kunin ito kung walang pahintulot ni Pacman.

‘We need to make sure na malusog ang katawan ni Sen. Manny. Since,s iya na mismo ang nagsabi na meron siyang ganoong kondisyon, we will demand na magsumite siya ng ‘cardio clearance’ mula sa Cardinal Santos, para makasiguro tayo ba fit pa pang lumaban si Senator Pacquiao,” sambit ni Mitra sa panayam ng mga miyembro ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).

Napabalita na plano ni Pacman na sumabak muli sa laban sa Enero bago maisulong ang rematch kay American undeafeated champion Floyd Mayweather, Jr.

Sa kabila, marami na ang nagtutulak kay Pacquaio na magretiro, kabilang ang Pangulong Duterte na malapit na kaalyado ng boxing icon.

“The country needs Sen. Pacquiao. Alam naman natin yung nagagawa niya klapag siya ay lumalaban. But with his heart condition, kailangan nating suriian at pagisipan ang lahat. Kung lalalagay naman sa panganib ang kanyang kalusugan at buhay, mainam na nga na pag-aralan ang pagreretiro,” sambit ng dating Palawan Governor at Congressman.

Sinabi ni Mitra, na sa kasalukuyan nasa mabuting kamay ang Philippine boxing sa pagkakaroon ng mga bagong kampeon tulad nina Jerwin Ancajas at Donnie Nietes, gayundin si Michael Dasmarinas.

-Ni Edwin G. Rollon