HATAW si John Mark Cerezo sa naiskor na 19 puntos para sandigan ang La Consolacion Baby Blue Royals sa 73-46 panalo kontra San Beda Manila-A Red Kittens nitong weekend sa 16th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament.

Nag-ambag sina Harvee Galang at Justine Latonio ng pinagsamang 15 puntos para sa ikaapat na sunod na panalo ng Blue Royals sa St. Placid gymnasium sa loob ng San Beda-Manila campus sa Mendiola.

Bunsod nito, umusad ang Blue Royals sa quarterfinals sa Group A, ayon kay commissioner Robert de la Rosa.

Nalimitahan ng Baby Blue Royals ang Red Kittens sa siyam na puntos sa first period para makopo ang 38-22 bentahe sa halftime.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Sa senior division, nagwagi ang Letran Knights via default sa St. Joseph College-Bulacan, gyundin ang La Salle Green Archers kontra Pasig Catholic College.

Wala pang talo ang Knights sa tatong laro sa Group B, habang bumagsak ang Green Archers sa 2-2 karta.

Nagwagi ang Mapua Cardinals(1-4) kontra BBC, 99-52, sa isa pang senior match.

Sa iba pang junior games, namayani ang Diliman Preparatory School sa Mapua Red Robins, 87-69, para sa 2-1 karta sa Group B.

Ginapi ng PCC ang Rich Golden School Montessori, 98-81, para sa 1-3 karta.