DALAWANG pangunahin ng Thunderbird endorsers ang namayani sa the P220K Entry Fee, 1-Day 7-Stag Big Event nitong Linggo sa ginaganap na 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.

TINANGAP ni Thunderbird endorser Engr. Sonny Lagon (gitna) ang kampeonato matapos ang perpektong 7 panalo sa P220K Entry Fee, 1-Day 7-Stag Big Event ng World Pitmasters Cup sa NewPort Performance Theater sa Resorts World Manila.

TINANGAP ni Thunderbird endorser Engr. Sonny Lagon (gitna) ang kampeonato matapos ang perpektong 7 panalo sa P220K Entry Fee, 1-Day 7-Stag Big Event ng World Pitmasters Cup sa NewPort Performance Theater sa Resorts World Manila.

Napanatili ni Engr. Sonny Lagon ang kanyang tibay at husay sa ibabaw ng rueda mula umpisa hanggang sa huli upang umiskor ng 7 panalo sa 7 laban at makamit ang solong kampeonato sa papamagitan ng kanyang entry na Blue Blade na naglaban ng kumbinasyon ng Machine Kelsos, Joe Goode Greys and Swites.

Si Gov. Edddiebong Plaza naman ay nagsara na may 6 na panalo at 1 talo upang masungkit ang solong runner-up sa tinaguriang pinakamahigpit na isang araw na stag derby sa lahat.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Samantala, pagkatapos ng ‘tigil putukan’ ngayon araw, ang mga finalists World Pitmasters Cup ay maghaharap simula bukas kung saan ang nakapagtala ng 2, 2.5, 3 & 3.5 puntos na susundan ng 4-stag grand finals sa Linggo, ika-30 ng Setyembre sa pagitan ng mga may iskor na 4, 4.5 & 5 puntos, para sa korona.

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay suportado ng gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan & Thunderbird Bexan XP.