Isinugod sa ospital ang 11 tauhan ng isang plantation company nang mahirapan silang huminga dahil sa ammonia leak sa Polomolok, South Cotabato, kahapon.

Sa kanilang report, sinabi ng Polomolok Municipal Police na nangyari ang insidente sa loob ng opisina ng isang pineapple plantation sa Cannery Site Street ng naturang bayan, kahapon ng madaling araw.

Matapos malanghap ng mga empleyado ang nasabing kemikal ay kaagad na silang itinakbo sa Howard Hospital.

Inilikas na rin ang mga residente sa palibot ng nasabing kumpanya nang makaramdam sila ng hapdi ng mata, pananakit ng lalamunan, at nahirapang huminga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Fer Taboy