Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

2:00 n,h. -- Adamson vs UST

4:00 n.h. -- NU vs Ateneo

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

MAPANATILI ang pamumuno at pagiging nag-iisang unbeaten team sa torneo ang tatangkain ng Adamson University sa pagsalang kontra University of Santo Tomas sa pambungad na laro sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Ikatlong sunod na panalo ang asam ng Falcons habang umangat mula sa kinalalagyang 5-way tie sa second spot ang hangad naman ng Tigers sa pagtutuos nila ngayong 2:00 ng hapon.

Kasalo ng UST sa 5-way logjam sa patas na markang 1-1 ang Far Eastern University at University of the Philippines, gayundin ang National University at Ateneo, na maghihiwalay ng landas sa ikalawang laro ganap na 4:00 ng hapon.

“I guess it’s a bonus for us that in this stage of the competition we’ll be in this kind of position, but it’s still early.We just have to seize the moment but not to enjoy it,not to feel that we’re so unbeatable,” ani Adamson coach Franz Pumaren.

-Marivic Awitan