UNANG nagpaparamdam na lilipat sa Kapamilya from GMA-7 ang singer na si Janno Gibbs, makaraang mapanood siya sa top-rating primetime serye ng Dos na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Janno

Tinotoo na ni Janno ang mga espekulasyon sa paglipat niya ng network nang pumirma siya sa Star Music nitong September 14.

Ang unang single na nai-record ni Janno for Star Music ay ang Feeling JKL, na patama sa mga nangungunang love teams sa ating showbiz.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Sa naging panayam kay Janno, sinabi niyang matagal niyang pinag-isipan ang magbalik-recording. Ngayon daw ang right timing para siya’y magbalik-entablado.

“I’m in this point in my career na kailangan ko naman to shake things up, you know fresh. Medyo naging comfortable ako lately so I need to shake things up,” pag-amin ni Janno.

At ngayong nasa Star Music na, isa sa nilu-look forward ni Janno ang muling makapag-perform kasama ang mga kaibigan niyang sina Ogie Alcasid at Jaya, mga kapwa niya singers at hosts na dati ring mga Kapuso at nakasama pa nga ni Janno sa Sunday variety show ng GMA-7.

“Si Ogie nakasama ko sa mga guesting, si Jaya I’ve seen her here (ABS-CBN). I missed them. ‘Pag nagkakausap kami over the phone, kahit sila nagpo-post na we miss working together,” sabi ni Janno. “More than 10 years kaming magkakasama. So, ayun, iba ang friendship kasi magkakaibigan kami. Pero ‘yung working together we miss that of course.”

-Ador V. Saluta