IDINAAN ni Dawn Zulueta sa Twitter ang panawagan niya sa mga pasaway niyang fans na nag-edit at nag-post sa litrato nina Ormoc City Mayor Richard Gomez, Kathryn Bernardo, at Sharon Cuneta. Kuha sa look test ng pelikula ng tatlo na Three Words to Forever ang nasabing picture—na ang mukha ni Dawn ay ipinalit sa mukha ng Megastar.

Dawn copy

“Calling the attention of some members: Pls refrain from doing this. If you can’t say anything nice, don’t say anything at all,” tweet ni Dawn sa sinumang gumawa at nag-post ng nasabing litrato.

Nagsumbong kasi kay Dawn ang fans ni Sharon at ipinost ang ginawa ng fans ni Dawn, kaya nadamay pati ang aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang hindi pa maganda, nag-comment pa nang hindi maganda ang fans ni Dawn tungkol kay Sharon. Nakarating ‘yun kay Dawn, kaya tinawag niya ang attention ng kanyang fans.

In fairness, kaagad na nag-sorry ang isang fan ni Dawn sa kanilang ginawa.

Post ng may Twitter handle na @sandraagabriele: “I am sincerely sorry for what we did, I’m sorry to all the fans that I have offended. I know it’s disrespectful, and we learned from our mistakes. Sorry for disappointing you @DawnZpost, and to the fans club, and admins. This will be the last, we learned our lessons.”

Wala pang reaction si Sharon sa isyu na ito, pero gaya ni Dawn, tiyak na hindi na nito palalakihin pa ang isyu

-NITZ MIRALLES