SINGAPORE -- Dinomina ni International Master elect Edgar Reggie Olay ang Open competition habang namayagpag naman si Jayson Jacobo Tiburcio sa Challengers’ category para maibulsa ang kani-kanilang titulo sa tinampukang Moon Cake Rapid Open Chess Championships nitong Linggo na ginanap sa Bukit Timah Shopping Centre sa Singapore dito.

Nagkampeon si Olay na isang certified FIDE chess teacher at chess instructor dito sa Open division matapos mag poste ng tatlong panalo at dalawang tabla.

Nangibabaw naman ang nine years-old na si Tiburcio na tubong Marikina City matapos niyang maduplika ang tagumpay sa Challengers’ category sa pagtala ng malinis na kartadang 5.5 puntos.

Sa pagkopo ng korona sa torneong ito ay nakaungos si Makilala, North Cotabato pride Olay kay Filipino at United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr. ng Barangay Malamig, Mandaluyong City sa tie break points na nalagay sa ika-2 puwesto ang huli.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Tumapos si Arena Grandmaster at Fide Master elect Robert Suelo Jr. ng third over-all.

Ang mga nakapasok sa top six (6) finishers ay sina 4th place Aldrin Wong ng Singapore, 5th place Lincoln Yap ng Pilipinas at 6th place Richard Lean ng Singapore.