PINAGBIDAHAN ni Batang Gilas standout Gerry Abadiano at Kevin Quiambao ang National University Bullpups kontra San Beda University-B Red Lions, 116-90, nitong weekend sa 16th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament.

Kumana sina Abadiano at Quiambao ng tig-15 puntos para sa Bullpups, tinapos ang Group A assisgnment na may 5-2 karta sa St. Placid gymnasium sa San Beda-Manila campus in Mendiola.

Nag-ambag si Dominic Dayrit ng 14 na puntos para sa Bullpups na kaagad na umabante sa kaagahan ng laro tungo sa quarterfinals slot, according to commissioner Robert de la Rosa.

Ito ang ikalawang panalo ng Bullpups matapos magapi ang La Consolacion College-Manila, 61-51.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Nakamit naman ng University of Perpetual Help-Molino ang unang panalo matapos gapiin ang Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, 102-97.

Nagwagi naman ang Diliman College Blue Dragons sa NU Bullpups, 94-84.

Sa junior division, nagwagi ang Chiang Kai Shek Blazing Dragons sa Diliman Preparatory School, 70-60, para sa ikaanim na sunod na panalo.