ANG walang kapagurang rookie ng San Miguel Beer na si Christian Standhardinger ay tinanghal na Cignal- PBA Press Corps Player of the Week sa impresibong conference debut sa 2018 Governors’ Cup kontra NLEX.
Ilang oras pagkalapag ng paliparan ng Manila mula sa kanyang stint kasama ng Philippine Team sa Jakarta Asian Games, ang 6-foot-8 na si Standhardinger ay dumiretso ng Smart Araneta Coliseum at naglaro para sa Beermen.
S a k a n y a n g pagdating, lumakas ang line-up ng San Miguel na pinuproblema ang di makakalarong 4-time league Most Valuable Player na si June Mar Fajardo na nagpapagaling ng natamong” right shin fracture” sa nakaraang Commissioner’s Cup.
P i n u n a n n i Standhardinger ang pagkawala ng SMB star center nang magposte ito ng career-high 36 puntos at 11 rebound para pamunuan ang Beermen sa paggapi sa NLEX Road Warriors, 125- 112, nitong Sabado.
Ni hindi kinakitaan ng pagod si Standhardinger na nagtala pa ng 27 puntos at 13 rebounds para sa Nationals sa kanilang 54- point na pagtambak sa Syria nitong Biyernes para tumapos na panglima sa Asian Games.
Sa halip, punong-puno ng enerhiya ang dating Nebraska at Hawaii standout na nagtala 14- of-17 shooting sa field sa halos 28 minuto sa loob ng court.
T i n a l o n i Standhardi n g e r s a lingguhang citation sina Ginebra forward Japet Aguilar, Magnolia guards Mark Barroca, Jio Jalalon at Rome dela Rosa, Phoenix forward Jason Perkins, TNT playmaker Jayson Castro at NLEX guard Kenneth Ighalo.
-Marivic Awitan