Sa halip na pasahe ang ibinayad ng hindi kilalang lalaki sa isang tricycle driver, tatlong bala ng baril ang ibinaon nito sa katawan ng tsuper, kahapon ng madaling araw, sa Caloocan City.

Dead on the spot si Antonio Tamayo, 34, ng Barangay 176, ng nasabing lungsod.

Kuwento ng saksi, bandang 1:25 ng umaga at abala siya sa pagluluto ng almusal nang makarinig ng sunud-sunod na putok sa labas ng kanilang bahay sa Bagong Silang.

“Lumabas ako ng tindahan para alamin kung saan galing ‘yung putok ng baril, tapos nakita ko na lang na patay ang isang lalaki na nakahiga sa driver seat ng tricycle,” ayon sa saksi.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Hinala ng pulisya, posibleng pasahero ng biktima ang suspek, at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa na humantong sa pamamaril kay Tamayo.

Narekober ng Scene on the Crime Operations (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng .45 caliber pistol.

Wala pang lead ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek, lalo pa dahil walang closed circuit television (CCTV) camera sa lugar.

-Orly L. Barcala