MULING ginapi ng University of Santo Tomas ang Adamson University, 25-15, 16-25, 25-22, 21-25, 15-8, upang pormal na mawalis ang ang kanilang semifinals series at umusad sa championship round ng men’s division ng Premier Volleyball League 2 Collegiate Conference sa Filoil Flying V Center.

Umiskor si team captain Manuel Medina ng 19 na puntos galing sa 16 na spikes, 2 aces, at 1 block habang nagdagdag si rookie Genesis Redido ng 14 na markers upang pamunuan ang panalo.

Sinamantala ng UST ang errant passing ng Falcons sa fifth set at agad nilayuan ang huli, 8-2 upang di na luminhon pang muli para selyuhan ang panalo.

“Wala naman kaming expectations pero we will take the win and opportunity na makapag-finals para mabigyan ng championship experience ang team,” ani UST coach Odjie Mamon. “Babalik kami sa fundamentals. May mga basic plays kami na nawala for the past four games.” Nanguna naman si Paolo Pablico para sa Adamson na may 21 puntos.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

-Marivic Awitan