Pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang isang 68-anyos na babae sa Paquibato District, Davao City, nitong Linggo.

Dead on the spot si Andrea Baguio, ng Paquibato District, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Base sa imbestigasyon, naglalakad pauwi ang biktima nang huminto ang isang motorsiklo na kinalululanan ng dalawang lalaki at binaril ang biktima.

Ayon sa awtoridad, kalalabas lamang ng biktima sa isang simbahan nang maganap ang pananambang.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

-Fer Taboy