IKINASIYA nang husto ni Philippine Sports Commission chairman william “Butch” Ramirez ang pagkamal ng pilak na medalya ni Kiyomi Watanabe sa kanyang pagsabak sa women’s 63 kg Judo event kamalawa bilang bahagi ng kampanya ng bansa sa 218 Asian Games sa Jakarta Indonesia.

Ayon sa PSC chief hindi matatawaran ang tiyaga, sipag at galing na ipinamalas ni Watanabe gayundin ang suportang ipinamalas ng kanyang mga magulang sa kanya para sa kampanyang ito.

“We salute the performance and her values as a person. Saludo!” pahayag ni Ramirez.

Iba din umano ang kabutihan na ipinakikita ng 22-anyos na Cebuan-Japanese na si Watanabe bilang isang tao, gayung kahit na anong tagumpay ang makamit nito ay nanatiling mapagkumbaba.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We will support her all the way,” ani Ramirez. “This Cebuana-Japanese girl is so humble. And the mother is so understanding. when the time is tight, she pays for Kiyomi’s trip and later for reimbursement,” ayon pa kay Ramirez.

Si Watanabe ang unang atleta na nagbigay ng silver para sa bansa ngayong edisyon ng Asian Games, at ito rin ang kanyang unang medalya buhat sa nasabing quadrennial meet.

Hindi man niya nakuha ang gintong medalya, gaya ng inaasahan, masaya pa rin si Watanabe sa kanyang naging performance at patuloy umano siyang maglalaro suot ang kulay ng bndila ng Pilipinas.

-Annie Abad