Kagyat na pinawi ng host Indonesia, sa pangunguna ni star player Aprilia Manganan, ang kasiyahan ng Team Philippines sa impresibong 25-20, 25-20, 24-26, 25-22 panalo nitong Sabado sa 18th Asian Games women’s volleyball competition sa GBK Tennis Indoor.
Hataw si Manangang sa naiskor na 28 puntos, karamihan mula sa atake sa net, para ulitina ng dominasyon sa Philippine team. Sa 2015 Southeast Asian Games sa Singapore, dinaig din ng Indons ang Pinay spikers.
Inamin ni libero Dawn Macandili na nahirapan ang koponan na makasabay sa bilis at lakas ng Indon star.
“Honestly, medyo challenging siya kasi siyempre, mataas ‘yung talon niya at baon siya pumalo. Kailangan extra effort ‘yung pagbasa ng bola,” pahayag ni Macandili
Dumadagundong ang kapaligiran sa bawat sandali, higit sa bawat iskor ni Manangang, na mistulang balaraw na tumitimo sa puso ng Nationals.
Kung may konsiderasyon na nakamit ang koponan na binuo lamang halos isang buwan para maghanda , ito’y ang naitalang panalo sa third set.
“I think it’s a learning experience. Lahat naman ng games namin, may matututunan kami. Sa team, kailangan namin ma-absorb ‘yun and take it to the next level,” sambit ni Macandili.
Bunsod ng panalo, ikalawa sa tatlong laro, umusad ang Team Philippines sa sosyong ikalawang puwesto kasama ang Japan sa Pool A tangan ang dalawang panalo sa tatlong laro.
Laglag ang Nationals sa 1-3.
Nanguna si Alyssa Valdez sa naiskor na 16 puntos, habang kumana si Jaja Santiago ng 13 puntos. Bunsod nang kabiguan ng Hong Kong laban sa Thailand, pasok ang Nationals sa quarterfinals.
“Siyempre sobrang happy pero naniniwala pa rin kami na meron pang i-aangat ‘yung team namin. Hindi kami mawawalan ng pag-asa. Hopefully, mag-perform,” sambit ni national coach Shaq delos Santos.
Matapos makuha ang third set, nakaabante ang Nationals sa 12-11, subalit naagaw ng Indons ang bentahe sa iskor ni Amalia Fajrina Nabila sa service play kasunod ang atake ng nakababatang kapatid ni Manangang na si Amasya para sa 16-12 bentahe.