SA ikalawang sunod na pagkakataon, nagtala ng triple double performance si Bong Quinto upang pamunuan ang Letran sa ginanaganap na NCAA Season 95 basketball tournament sa Filoil Flying V Centre kahapon sa San Juan.

Tumapos ang ‘do-it-all’ forward ng 10 puntos, 11 assists at 10 rebounds para sandigan ang Knights sa ,76-56, panalo kontra Emilio Aguinaldo College.

Umakyat ang Letran sa 6-3 karta.

“Bong Quinto is truly our leader. He is setting an example kaya nagiging maganda ang takbo namin,” pahayag ni Letran head coach Jeff Napa patungkol sa kanilang main man.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Bukod kay Quinto, nagtala rin ng kanyang best game para sa Knights si Bonbon Batiller sa ipinoste nitong 17 puntos, 4 rebounds, at 3 assists.

Nagtapos naman ang Generals na pinamunuan ni Hamadou Laminou na may 18 puntos at 16 rebounds sa first round na may markang 2-7.

-Marivic Awitan