VICTORIA, Tarlac - Tumimbuwang ang umano’y tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan umano ito sa mga pulis sa Barangay Masalasa, Victoria, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Tadtad ng tama ng bala sa katawan si Victor dela Peña, alyas Dodong, nasa hustong gulang, ng Bgy. Maligaya, Tarlac City.

Una rito, na-monitor ng mga pulis na nag-iingat ng hindi pa mabatid na dami ng shabu ang suspek.

Dahil dito, naglunsad ng anti-illegal drugs operation ang awtoridad ngunit nakahalata umano si Dela Peña na may kakaiba sa operasyon at binaril ang mga pulis hanggang sa nagkapalitan ng bala at tuluyang bumulagta ang huli.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

-Leandro Alborote