LA TRINIDAD, Benguet – Patay ang dalawang minero dahil sa gas poisoning sa Itogon, Benguet, kamakailan.

Kinilala ng Itogon Municipal Police Station ang mga biktima na sina Astrid Guitelen, 22, ng Bangaan, Sagada, Mt. Province; at Jomar Lay-os, 23, kapwa taga-70 Antamok, Barangay Ucab, Itogon.

Sa imbestigasyon, pumasok ang dalawa sa isang tunnel, na ino-operate ng isang Angie Ognayon, upang kumpinihin ang mine blower sa 70 Antamok, Ucab, Itogon nitong Martes, bandang 5:00 ng hapon. Makalipas ang apat na oras, nagdesisyon ang mga kasamahan ng mga biktima na pasukin ang minahan at tuluyang nadiskubre ang nakahandusay na bangkay ng dalawa.

Tinangka pang isugod sa ospital ang mga minero, ngunit dead on arrival.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

-RIZALDY COMANDA