KIDAPAWAN CITY – Dalawang miyembro ng isang para-military unit ng Army’s 38th Infantry Battalion at isang buntis ang ibinulagta ng hindi pa nakikilalang mga gunman sa Barangay Ginatilan, Pikit sa ganap 1:45 ng hapon nitong Lunes, ayon sa police officer.

Kinilala ni Chief Insp. Romy Castanares, officer-in-charge ng Pikit Police, ang mga biktima na sina Ronald Lachica at Richard Wacan, na kapwa miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ng 38th IB sa Pikit.

Napatay din sa pag-atake ang buntis na si Hasna Muhammad na sakay sa motorsiklo nang tamaan ng ligaw na bala, ayon kay Castanares.

Sa ulat na ipinarating sa Pikit PNP, dakay ang dalawang CAFGU members sa motorsiklo at patungo sa Barangay Ginatilan nang atakehin ng mga suspek.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagkataon naman na dumaan ang habal-habal na kinalululanan ni Muhammad at ng kanyang anak. Nakaupo si Muhammad sa likod at tinamaan ng bala. Nakaligtas naman ang anak ni Muhammad, gayundin ang habal-habal.

-Malu Cadelina Mana