Tuluyan nang ibinasura ng Cabanatuan City Regional Trial Court (RTC) ang kasong double murder laban kina National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Liza Maza, dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at sa dalawang dating Bayan Muna Party-list representatives na sina Satur Ocampo at Teddy Casiño.

Sa desisyon ni Judge Trese Wenceslao, ng RTC Branch 28, pinagbigyan ang motion for reconsideration ng apat para bawiin ang warrant of arrest laban sa kanila.

Dahil sa walang sapat na basehan, pinagbigyan ang mosyon at pinababawi na ang arrest warrant laban sa apat na dating mambabatas.

Tuluyan na ring ibinasura ng hukom ang kasong double murder laban sa apat na Makabayan leaders, bagamat tuloy pa ang kaso laban sa ibang akusado. - Beth Camia

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte