Giginhawa na ang mga magniniyog matapos aprubahan ng Bicameral Conference ang P76 bilyon pondo nila kasabay ng pagbuo ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, bukod sa nasabing halaga ay mayroon pang P30B halaga ng mga ari-arian na eksklusibong magagamit ng mga magniniyog.

Inihayag naman ni Sen. Francis Pangilinan na napagkasunduan sa bicam ang pagpalabas ng P5B sa Philippine Coconut Authority (PCA) na gagastusin sa loob ng 25 taon.

-Leonel M. Abasola
Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang