GINAPI ng St. Joseph College of Bulacan Taurus, sa pangunguna ni Aldrin Catiis na kumana ng 15 puntos, ang St. Michael College of Laguna, 88-54, nitong weekend sa 16th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament.

NAKIPAGBUNO para sa ball possession si Arvin Sibayan ng St. Joseph Bulacan sa laro laban sa St. Michael College of Laguna sa Fr. Martin Cup.

NAKIPAGBUNO para sa ball possession si Arvin Sibayan ng St. Joseph Bulacan sa laro laban sa St. Michael College of Laguna sa Fr. Martin Cup.

Nanatiling malinis ang karta ng Taurus matapos ang tatlong laro para maungusan sa unahan ang First City Providential School of Bulacan, at Chiang Kai Shek Blue Dragons sa Placid gymnasium sa loob ng San Beda-Manila campus sa Mendiola.

Naisalpak ng 5’9 Catiis ang three-pointer kasunod ang baskets nina John Romero at Renato Adriano para palawigin ang bentahe sa 67-39 sa final period.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Hataw si Dale Pimentel sa nakubrang 18 puntos para sa FCPS sa 96-68 panalo kontra San Beda-Taytay, habang pinataob ng La Consolacion College ang Paco Catholic Academy Foundation, 63-61.

Nanguna si John Urmeneta na may 18 puntos para sa Blue Dragons sa 104-56 demolisyon laban sa Rich Golden School Montessori.

Sa senior division, nakamit ng National University-B Bulldogs ang 93-89 panalo laban sa Mapua University Cardinals, 93-89.

Nagwagi naman and La Consolacion College sa Letran Knights, 97-70.