AGOO, La Union - Kalunus-lunos ang sinapit ng magkapatid na paslit na namatay matapos matabunan ng tone-toneladang lupa ang kanilang bahay sa Barangay San Francisco, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Agoo acting chief of police, Chief Inspector Bernabe Oribello ang mga biktima na sina John Jonard Galleros, 12; at Joseph, 11.

Aniya, naganap ang insidente dakong 3:00 ng madaling araw.

Sa imbestigasyon, natutulog ang magkapatid sa kanilang sala habang ang kanilang nilang ina at step father ay nasa katabing silid nang gumuho ang lupa at natabunan ang kanilang bahay.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Paalis na sana ang mag-asawa nang makitang natabunan na ng lupa ang kanilang mga anak.

Nabigo ang mga rescuer na mailigtas ang magkapatid, na umabot ng isang oras bago naiahon.

-Erwin Beleo