Patay ang dalawang katao, kabilang ang isang opisyal ng Moro National Liberation Front (MNLF), makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Sadaan, Midsayap, North Cotabato, iniulat kahapon.

Sa r epor t ng Mids aya p Municipal Police Station (MMPS), kinilala ang mga biktima na sina Saifullah Minanimbong, alyas Datu Lumambak Minanimbong, 66, Division Commander ng MNLF Central Mindanao Command, at residente ng Bgy. Lawili, Aleosan, North Cotabato; at Bert Aran Camen, 46, ng Bgy. Indatuan, Northern Kabuntalan, Maguindanao.

Sa report na ipinadala kay Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng North Cotabato Police Provincial Office (NCPPO), nakaupo lang ang mga biktima sa isang pedicab sa tapat ng Hall of Justice sa Bgy. Sadaan, nang lapitan ng mga suspek at pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek sakay sa isang motorsiklo patungo sa bayan ng Aleosan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Isinugod ang mga biktima sa Midsayap Community Doctor’s Hospital, ngunit hindi na umabot nang buhay.

Sa imbestigasyon, rido ang motibo sa pagpatay.

-Fer Taboy