Makalipas ang apat na taong pagtatago sa batas, tuluyang naaresto ang lalaking wanted sa Caloocan City matapos ito masakote sa sa Nueva Ecija, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang inaresto na si John Bryan Hermosa, 24, dating nakatira sa Barangay 28, Caloocan City. Siya ay nadakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City Police sa kanyang tinutuluyan sa Zone 4, Barangay Abar 2nd San Jose City, Nueva Ecija, bandang 4:00 ng hapon.

Bitbit ang warrant of arrest para sa sa kasong robbery with homicide, matagumpay na naaresto si Hermosa sa nasabing lalawigan.

-Orly L. Barcala
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20