Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa isang ilog sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.

Patuloy na inaalam ng Muntinlupa City Police ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa edad 20-30.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nadiskubre ang bangkay sa ilog ng Bayanan-Alabang Creek Site, Barangay bayanan sa naturang lungsod, bandang 4:00 ng hapon.

Sa gitna nang malakas na ulan, sinasabing naligo ang biktima sa ilog hanggang sa ito’y nalunod bunsod mabilis na pagtaas ng tubig.

National

PBBM, pinahahanap student athletes na nag-wacky ng mukha sa speech niya

Nagsasagawa ng imbestigasyon at follow-up operation ang awtoridad.

-Bella Gamotea