MAY ipinadalang video sa amin kung paano manalangin si Mommy Dionisia Pacquiao habang nakikipaglaban sa ring ang anak niyang si Senator Manny Pacquiao kay Lucas Matthysse (Argentinian) nitong Linggo, na napanalunan ng Pambansang Kamao.

Dionisia

May caption ang video: “Lakas ng Chakra ni Mommy D!”

Ayon sa kababayan nating nagpadala ng video, malapit siya sa puwesto ni Mommy D at noong una ay hindi nila pinapansin ang ikinikilos ng ina ni Pacman. Baka raw kinakabahan ito kaya panay ang yuko, at inisip din nilang baka nagrorosaryo.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Pero nang tingnan uli nila si Mommy Dionisia ay ‘tila may kausap ito, may hawak-hawak na papel at rosaryo, habang may sinasambit na hindi maintindihan.

“Chakra raw. Indian ritual,” kaswal na sabi sa amin.

Umabot na sa 5.8 million views at 134, 131 shares ang nasabing video, at isa-isa naming binasa ang mga komento. May mga natutuwa dahil ang lakas daw ng powers ni Mommy D.

“The power of prayer, Amen,” sabi naman ng iba.

May nagbiro rin: “Kinulam ni Mommy D kalaban kaya nanalo, waaah.”

Anyway, sa ikatlong pagkakataon ay napatumba ni Senator Manny si Lucas Matthysse sa Round 7, dahilan para makuha ng una ang WBA Welterweigh title. Ito na ang ika-60 panalo ni Pacman sa boxing, at ang muli niyang pagkakapanalpo via knockout makalipas ang halos isang dekada.

-REGGEE BONOAN