Inaayos ngayon ng dalawang komite ng Kamara ang pagkakaloob ng mahusay na air transport facilities at serbisyo sa mga pasahero.

Inumpisahan na ng technical working group (TWG) ng House Committee on Government Enterprises at ng Committee on Transportation, ang pag-aaral at pagsusuri sa House Bill 7306 o ang “Philippine Airport Development Corporation Act” (PADC).

Layunin nitong lumikha ng PADC upang masiguro ng pangasiwaan ng paliparan ang mabilis na development ng air transport facilities at mga serbisyo.

Pinangunahan ni TWG chairman Rep. Rene Relampagos ang pagtalakay sa panukala na inakda ni Speaker Pantaleon Alvarez.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

-Bert De Guzman