Patay sa engkuwentro ang isang robbery-holdup suspect matapos nitong tangayin ang bag ng isang call center agent habang nakatakas ang kanyang kasabwat sa ParaƱaque City, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Southern Police District (SPD), hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng nasawing suspek.

Sabi ni SPD spokesperson, Supt. Jenny Tecson, nakasaad sa police report na bago ang engkuwentro ay nagpasaklolo si Kimberly Flores, 25, ng Meiyen Street, Park View Homes, Barangay Sun valley, ParaƱaque City, sa mga nagpapatrulyang pulis na nagsasagawa ng ā€œOplan Sitaā€.

Ayon kay Tecson, nang makita ni Flores sina PO2 Mark Gil Fabricante at PO1 Christian Aaron Earl ng Police Community Precint-2 ay nagpatulong ito at sinabing habang siya ay naglalakad sa Sucat Road, malapit sa tanggapan ng DPWH sa Bgy. San Antonio, ay sumulpot ang dalawang lalaking lulan sa motorsiklo at tinangay ang kanyang bag.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Hinabol ng awtoridad ang mga suspek at nang makorner sa panulukan ng Sunrise at Fourth Estate, bumaba sa motorsiklo ang back rider at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ang awtoridad at tuluyang tumimbuwang ang suspek habang nakatakas ang isa pa.

Narekober sa pinangyarihan ang shoulder bag ni Flores at ang .38 paltik caliber revolver ng suspek.

-Jean Fernando at Bella Gamotea