Nagpaabot ng pakikiramay ang gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Philippine Consulate sa New York, sa pamilya ng lima sa anim na Filipino- American na namatay sa car crash sa Delaware, nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Nasawi sa trahedya si Audie Trinidad, 61, at mga anak nitong babae na sina Kaitlyn, 20, Danna, 17, at 14-anyos na kambal na sina Melissa at Allison. Malubhang nasugatan ang kanyang misis na si Mary Rose Ballocanag, at ginagamot ngayon sa ospital.

“The Philippine Consulate General in New York wished to express its deepest condolences to the bereaved Trinidad family and joins the Filipino Community in mourning the tragic loss of exemplary members of the community,” sinabi ng Consul General sa pahayag na inilabas nitong Linggo ng gabi.

Pabalik na ang pamilya Trinidad sa kanilang tahanan sa Teaneck, New Jersey mula sa Ocean City, Maryland nang banggain ng nakasalubong nilang pickup truck ang kanilang sasakyan sa Highway Route 1 malapit sa Townsend, Delaware.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakikiisa rin ang Department of Foreign Affairs sa Filipino community sa paglulukhsa at panalangin para sa limang miyembro ng pamilya Trinidad.

-Roy C. Mabasa