Aabot sa 170 government website ang hindi ma-access.

Ito ang kinumpirma kahapon ng Department of Information and Communication Technology (DICT), sinabing simula Martes ng madaling araw ay offline na ang 170 government website dahil sa nag-malfunction na server, na pag-aari ng gobyerno.

Ipinaliwanag ni DICT Secretary Eliseo Rio na posible ang malfunction sa mga server ng gobyerno dahil na rin sa kalumaan ng mga ito.

Kabilang sa mga apektado ang website ng opisyal na online gazette ng pamahalaan, at ang sa DICT, Department of Health, at Department of Science and Technology.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Kahit isinasantabi ng DICT ang anggulong pananabotahe ay kasalukuyan na rin itong iniimbestigahan ng kagawaran.

Posible aniyang abutin pa ng ilang araw bago muling maibalik sa grid ang mga offline na government website, ayon kay Rio.

-Beth Camia