Patay ang isang abogado habang kritikal ang misis nito makaraang pagbabarilin ng dalawang armado sa loob ng bahay nito sa Barangay Guadalupe, Cebu City, nitong Lunes ng gabi.

NASA HULI ANG PAGSISISI Napaluha na lamang si Ricarte del Corro, suspek sa pagpatay sa abogadong si Salvador Solima at bumaril sa misis nito, nang malambat sa buy-bust operation ng Cebu City Police Office-Station 10. (JUAN CARLO DE VELA)

NASA HULI ANG PAGSISISI Napaluha na lamang si Ricarte del Corro, suspek sa pagpatay sa abogadong si Salvador Solima at bumaril sa misis nito,
nang malambat sa buy-bust operation ng Cebu City Police Office-Station 10.
(JUAN CARLO DE VELA)

Sa ulat ng Cebu Provincial Police Office (CPPO), kinilala ang napatay na si Atty. Salvador Solima at nasa malubhang kalagayan naman si Verose Lim Solima.

Naaresto naman sa buy-bust operation ang isa sa mga suspek na si Ricarte del Corro.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rommel Bancog ng Cebu City Police Office (CCPO), kapwa tinamaan ng bala sa ulo ang mga biktima.

Naganap ang pamamaril sa bahay ng mga biktima sa Singson Village, Bgy. Guadalupe, Cebu City, dakong 6:00 ng gabi.

Sa salaysay ng isang saksi, may dumating na dalawang lalaki, sakay sa motorsiklo, sa bahay ng mga biktima at hinanap ang abogado.

Sandaling nag-usap si Salvador at ang mga suspek at nang papalabas na sana ang abogado sa kanyang opisina ay bigla siyang binaril ng mga suspek.

Nagmadaling lumabas ang suspek at nang makasalubong nila si Verose ay binaril din si ulo.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Fer Taboy