Patay ang isang negosyante nang barilin ng isang armado sa loob ng kanyang tindahan sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) si Jerald Tungala Flores, 35, sari-sari store owner, ng Asuncion Street, Tondo, ngunit ‘di umabot nang buhay dahil sa dalawang tama ng bala ng kalibre .45 pistol sa dibdib.

Kinilala ang suspek sa alyas na Nene, na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa report ni PO3 Joel Ascano ng Manila Police District (MPD)- Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), naganap ang krimen sa loob ng tindahan ng biktima na matatagpuan sa Asuncion Market sa Asuncion St., Tondo, dakong 2:40 ng madaling araw.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Nasa loob ng tindahan ang biktima nang sumulpot ang suspek at makailang beses binaril ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Mary Ann Santiago